Jane de Leon, okay lang ma-bash

Tanggap na umano ng aktres na si Jane de Leon ang mga puna at pambabatikos sa kanya lalo na nang siya ang gawing lead sa remake ng TV series na Darna at ayon sa dalaga, nauunawaan niya umano ang kanyang mga bashers.

Inamin ng dalaga na noong una ay nasasaktan siya sa mga natatanggap na banat mula sa bashers.

“Una po talaga, alam ni mommy ‘yan na naapektuhan po ako, kasi biglang Darna from ‘Halik,’ from baguhang artista. ‘Di ko alam kung paano ko iha-handle. Siyempre naapektuhan po ako ganyan, ‘Bakit nila sinasabi ito?’ Pero after years and months, na-realize ko rin po na may point din naman po sila. Bakit nga po ba ako ang napili? Sa totoo lang, hindi ko rin po alam kung bakit ako po ang napili,” sabi ni Jane.

“Totoo naman po. May point naman po sila”, dagdag pa niya.

Samantala, sinabi naman ng ina ni Jane na talagang suportado niya ang kanyang anak.

“Parang ang hirap din on our part kasi ako nakikita ko siya minsan umiiyak. Pero strong naman si Jane. So over the years natutunan din niya na mag-adjust sa mundo ng show business. Ayon nagpapatibay din naman sa kanya. So iniintindi niya na lang … Sabi ko, ‘I think hindi ka nila kilala siguro kaya nasabi nila ‘yun kasi wala silang nakikita sa iyo puro social media lang.’ So we kept on telling her na siguro baby mag-ano ka ng ibang platforms.’ That’s why nag-start siya mag-vlog para mas makilala siya,” kuwento ng ina ni De Leon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *