Nathalie Hart, engaged na

Walang pagsidlan ang kasiyahan ng sexy actress na si Nathalie Hart nang ibalita niya na engaged na siya sa kanyang foreigner non-showbiz boyfriend at sa kanyang IG, ipinakita niya ang larawan ng proposal sa kanya.

“SECOND CHAPTER: I said yes #engaged,” saad ni Nathalie sa caption ng kanyang IG post kung saan makikitang nagpo-propose ang kanyang BF na nakilala bilang si Brad Robert.

May isa pang post ang aexy actress at dating Starstruck avenger kung saan pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa dahil sa ganda ng set up ng lugar.

“Felt like a princess for a day,” sabi ni Nathalie.

Siyempre, marami ang bumati sa dalaga sa kanyang engagement.

“Happy for you,” sey ng asawa ni Billy Crawford na si Coleen Garcia.

Saad naman ni Ana Jalandoni, “Congrats babe!”

“Aww congratulations!!!” sey naman ni Ryza Cenon.

Nag-comment rin sina Regine Tolentino, Maui Taylor, Janelle Jamer, Jackie Rice, at Phoebe Walker.

Nagpasalamat naman si Nathalie sa lahat mga taong nagpadala ng magagandang mensahe sa bagong journey sa kanyang buhay.

“Thank you everyone for all the beautiful messages. God is good!” sey niya.

Naganap ang engagement nina Nathalie at foreigner non-showbiz dyowa sa isang French restaurant sa Makati.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *