Pinalagan ng aktres at TV personality na si RR Enriquez sa pahayag ng batikang aktor na si Jaime Fabregas ukol sa muling pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa kolehiyo.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang opinyon ukol sa isyu kalakip ang sinabi ni Jaime sa kanyang tweet at ayon sa kanya, umaayon siya sa sinabi ng beteranong aktor na dapat ay mahalin talaga ng mga Pilipino ang bansa, ngunit salungat siya sa pagkontra nito sa pagbabalik ng ROTC.
“Excuse me Sir!! I agree with you by teaching children to love your country. But loving your country is not enough…If you don’t know how to fight, how can you defend your country??” saad ni RR.
Aniya, sa Bible daw ay tinuturuan na ang mga 12 years old na mga bata at naniniwala siyang hanggang ngayon daw ay mandatory ito.
“If magkaroon ng giyera your love won’t defend you… And hindi porke’t walang gulo or walang giyera sa ngayon. Magpapaka-complacent na tayo,” sabi pa ni RR.
Ikinumpara pa nga niya ang pgkakaroon ng ROTC sa paraan ng paghahanda ng mga langgam bago ang pagsapit ng tag-ulan.
“Gayahin natin ang langgam mentality… Nag-iimbak na sila ng pagkain habang wala pang bagyo. Para in times na dumating ang ulan or bagyo, handa sila,” saad ni RR.
Pero sa kabila naman ng kanyang pagsalungat sa pahayag ng batikang aktor ay nananatili pa rin ang respeto ni RR rito.
“Pero love ko pa din po kayo and I respect you because you are a legendary,” sabi ni RR kay Jaime.