Julia Montes, proud kay Coco Martin

Sa pagtatapos ng teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” nitong nakaraang Biyernes, talagang umani ng papuri ang cast at crew ng seryeng tumagal ng pitong taon sa ere.

Siyempre, hindi na nagpahuli sa pagbati ang aktres na si Julia Montes sa bida ng serye na si Coco Martin na sinasabing rumored boyfriend ng dalaga.

Ipinost ng aktres ang larawan ni Cardo Dalisay (Coco) na kuha sa taping na may short but sweet message para sa rumored dyowa.

“Sa 7 taon na itinakbo ng Probinsyano… Isa at Ikaw ang napakalaking parte ng Success ng buong show,” saad ni Julia. “Sa dedikasyon , pagmamahal at sipag na binigay mo sa show , isang karangalan na mapanuod kang magtrabaho sa FPJAP… saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo… Mula sa pangarap lang noon, ngayon naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo ay higit pa ang binibigay at pinapakita mo… Proud na proud ako sayo!”

Dagdag pa niya, “Congratulations aming Cardo Dalisay (emoji heart).”

Siyempre hindi puwedeng wala ang loyal supporters nina Coco at Julia na @cocojuls4ever, “Congratulations sa inyong lahat! Grabe pinakilig nyo kami hanggang huli. Bawing-bawi ung sakit sa dibdib. Ang ganda mo Mara!”

Clapping hands naman ang pagbati ng aktres na si @teresaloyzaga

Siyempre bumati rin si @therealaramina na gumanap bilang si Ellen Padua na asawa ni Sec Arturo Padua played by Tirso Cruz lll ng anim na emojis hearts.

Say ng aktres na si @d_laurel, “Y’all are amazing!!!! Congratulations!!! Grabe ka direc!!!!”

Actuallt marami pang iba at sabi ng netizens, “tama ikaw ang huling pag-ibig ni Cardo Dalisay.”

Samantala, binati rin si Julia ng management company niya, ang Cornerstone Entertainment.

Ipinost nito ang video ng ending ng FPJAP kung saan nagkita sina Cardo at Mara sa tabing dagat na ang ganda-ganda ng ngiti ng dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *