Dalawang babaeng umano’y nagbebenta at pinaniniwalaang sangkot sa distribution ng shabu sa Metro Manila at mga kalapit na bayan ng Bulacan at Pampanga ang naaresto ng Pdea, Linggo sa isang fast food chain sa Bustos, Maynila.
Nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,450,000 ang nasakote mula sa kanila.
Batay sa report ng mga operatiba ng PDEA Region 3 kay Pdea director general Wilkins Villanueva, isang undercover agent ang nakakuha ng drug deal sa mga suspek para sa pagbebenta ng kalahating kilo ng shabu at nagkasundo na magkita sa harap ng isang kilalang na food chain sa Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ainnah Salgan Ali at Norhanna Salgan.
Nasamsam mula sa dalawa ang limang knot-tied transparent plastic na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na may street value na P3,450,000 at marked money na ginamit ng nagsilbing poseur buyer.
Paglabag sa Section 5 o sale of dangerous drugs ay may kaugnayan ng section 26B o conspiracy to sell drugs ng RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002, ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.