Alodia Gosiengfiao, gusto nang maraming bisita

Aminado ang sikat na cosplayer at online gamer na si Alodia Gosiengfiao na gusto niyang mag-imbita ng maraming-maraming bisita sa kanyang kasal sa fiancé niyang si Christopher Quimbo.

Ayon sa dalaga, kung siya ang masusunod ay hindi lang umano pamilya ni Christopher ang nais niyang makita at makasama sa magiging wedding nila at dagdag niya, hindi pa raw talaga nila napag-uusapan ni Christopher ang mga mahahalagang detalye ng wedding pero may naiisip na siyang tema para sa kanilang big day.

“Actually we haven’t really planned yet but what I really want is to invite a lot of people,” sabi ni Alodia at ayon sa kanya, bukod sa mga malalapit na kaibigan, nais din niyang imbitahin ang kanyang “gaming family” sa kanyang wedding day.

“Hopefully at least all of my friends in the gaming community will be there, yeah, we’ll see,” saad ng dalaga.

Sa tanong naman kung may plano na rin silang magka-baby agad ni Christopher pagkatapos ng kasalan, “Definitely, one day. Having a family would be lovely.”

Matatandaang nito lamang July nang ianunsyo nina Christopher at Alodia ang kanilang engagement. Ibinahagi ng cosplayer ang ilang kaganapan sa marriage proposal sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube noong July 23.

“I couldn’t believe someone like him existed. We’re really a perfect fit, I guess. He understands me, I understand him. It’s nice, life is beautiful. For some, it takes a lifetime to find true love. But for the lucky ones, a lifetime is merely enough to share the love they’ve found. I guess I couldn’t imagine a life without him. Everything’s just falling into place na parang hindi siya pilit, hindi nira-rush or something, parang napakaganda lang. It’s very pure,” sabi ni Alodia.

Nangyari ang engagement ilang buwan makalipas ang controversial breakup ni Alodia at ng YouTube vlogger na si Wil Dasovich. Kinumpirma ng ex-couple ang kanilang paghihiwalay noong November, 2021.

“To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be,” ang ipinost ni Alodia sa kanyang Facebook account last year.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *