Chie Filomeno, nagpa-init uli

Sizzling ang bagong pictorial ng aktres na si Chie Filomeno para sa kanyang birthday celebration at sa kanyang IG, ipinakita ng dalaga ang sexy pics niya kung saan nakasuot sa kanya ang isang sexy silk sky blue dress na may butterflies.

“Counting the butterflies ay counting the days pala till my birthday,” sabi ni Chie, na magse-celebrate ng kanyang birthday ngayong araw.

Nagpapasalamat din siya sa dahil sa daming life lessons na natutunan niya bilang housemate ni Big Brother.

“Nabago talaga ng PBB yung buhay ko. Nabigyan ako ng opportunity na thankful ako and yung feeling na overwhelmed. Yun talaga yung feeling na nararamdaman ko kasi binigyan ako ng ganung kalaking trust. Especially now with Beach Bros. Lahat ng project ko with Dreamscape Entertainment. I’m really grateful for them and thank you for the trust yun yung nag-uumapaw and I’m grateful,” sabi ng dalaga.

Single ngayon si Chie at sana raw kapag nagkadyowa siya uli ay hindi na taga-showbiz.

“Sinabi ko na yan dati, non-showbiz ang gusto ko. And first na naging boyfriend ko showbiz tapos sabi ko ayoko na ng showbiz. Wala eh, hindi mo talaga matuturuan yung heart mo. As much as possible gusto non-showbiz para meron pa akong ibang matutunan. Kung kanino ako mapo-fall in love, feeling ko marami akong matututunan din,” sabi pa ni Chie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *