Katrina Halili, bidang muli

Magiging bida muli sa isang teleserye ang aktres na si Katrina Halili kung saan gaganap siya bilang isang mabuti at mapagmahal na ina sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Unica Hija.”

Kung matatandaan, naging effective si Katrina bilang kontrabida noon hanggang sa nabigyan siya ng role na isang surrogate mother sa top-rating soap opera na “Prima Donnas.”

Nagpapasalamat ang aktres sa panibagong opportunity na naibigay sa kanya.

“Thank you sa GMA siyempre. Pinagkatiwalaan na naman nila ko ng mabait na role. Sanay naman ako sa salbahe pero maganda siguro ‘yung impact ng Prima Donnas kaya binigyan nila ko ulit ng mabait na role,” sabi ni Katrina.

In fairness, bagay din naman sa Kapuso actress ang mga mabait na role pero palaban tulad nga ng naging karakter niya sa “Prima Donnas.” Pero siguradong nami-miss na rin siya ng manonood na nakikipagtarayan, nakikipagsabunutan at nakikipagsampalan sa bida.

Anyway, makakasama rin sa “Unica Hija” sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, Mark Herras, Faith Da Silva, Athena Madrid, Boboy Garovillo, Maricar De Mesa, Bernard Palanca, Maybelyn Dela Cruz, Biboy Ramirez, Jennie Gabriel, Jemwell Ventenilla, at Alfred Vargas sa isang natatanging pagganap.

Abangan ang “Unica Hija” sa GMA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *