Kitkat, enjoy maging ina

Aminado ang komedyanteng si Kitkat na nag-eenjoy siya ngayon sa buhay niya bilang isang first-time mom at isang linggo makalipas ang araw nang isilang ng komedyana ang panganay na si Baby Girl Uno Asher, napatunayan ni Kitkat na hindi pala talaga biro ang pagiging nanay.

Ipinanganak ng actress-singer ang baby nila ni Walby Fabia nitong nagdaang August 2 at agad nga niyang ipinakita sa madlang pipol ang itsura ng sanggol sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang Facebook at Instagram account, nagbahagi si Kitkat ng ilang detalye tungkol sa mga naging experience niya sa isang linggong pag-aalaga niya kay Baby Uno.

“1 week after giving birth. No tulog, no ligo, sore, cracked, bleeding nipples… but will never trade this for anything else. I’m at my happiest serving and loving my pretty little baby. #Complete
#happybreastfeedingweek #breastfeedingjourney #PadedeMom,” sabi ni Kitkat.

Nauna rito, ibinalita rin niya na nakauwi na nga sila ng kanyang baby mula sa ospital, “Welcome Home my Love …walang humpay ang iyak ko grabe ang saya ng puso ko! Habang buhay akong magiging grateful at binigyan ako ng ganito kalaking biyaya from Papa God.

“Ladies and Chenemen, My First Born. Baby Girl Uno Asher Favia. O, e try ko din pahinga masakit tahi hahaha!” sabi pa ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *