Bago pa man sumikat sa showbiz, inalala ng aktres na si Bianca Umali ang kanyang mga pinagdaanan bago siya pumasok sa mundo ng entertainment.
“Ngayon ko lang nari-realize na grabe pala ‘yung pinagdaanan ko dati!” saad ni Bianca.
Ayon sa dalaga, halos magkasunod na nawala ang kanyang mga magulang at ang pagiging ulilang-lubos ang umano’y nagturo sa kanya kung paano siya naging independent sa buhay sa murang edad.
“My mommy passed away when I was five because of breast cancer. And then my daddy passed away naman when I was 10 because of a heart attack. And then ever since I was 10, naiwan na ako sa lola (Vicky Umali) ko and I started living independently, I was 16 na up until today,” sabi ng dalaga.
Nakakabilib ang tapang at paninindigan ni Bianca na talagang lumaban nang patas sa buhay sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok mula nang pumanaw ang mga magulang.
Saan nga kumuha ng lakas at inspirasyon ang aktres noong magsunud-sunod ang pagsubok sa kanya.
“Kapag naalala ko, looking back I really couldn’t decipher kung ano ba ‘yung mga particular na pinanghawakan ko in life, e. Kasi nga bata pa ako, so I really did not understand the gravity of my situation at all noon nang nawalan ako ng mommy at daddy. And I was living independently. Ngayon na tumatanda ako, ngayon ko lang nare-realize na grabe pala ‘yung pinagdaanan ko dati,” saad ng dalaga.
“And I think that the only thing was keeping me strong was the thought of my mommy and daddy guiding me. I always thought of them as my guardian angels na palagi silang nasa shoulders ko. That they always have my back and that they are always protecting me, even na hindi ko sila nakikita,” dagdag niya.