Dating pari sinunog ang sarili

Depression ang itinuturong dahilan ng mga kaanak ng dating pari sa Carmen, Cagayan de Oro, na nagawang sunugin ang sarili nitong Biyernes.

Sa ulat ng Carmen Police, natagpuan ang bangkay ng 49-años ilang metro lamang ang layo sa kanilang tirahan sa Barangay Kausagan.

Posible umanong nagbuhos ang biktima ng gasolina.

Ayon naman sa kanyang pamilya, bago umano maging pari ay nautical umano ang kinuhang kurso ng biktima ngunit hindi naman nakasampa ng barko at nagpasyang mag-pari.

Labing-isang taon na ang nakakalipas nang magpasya siyang huminto sa pagpa-pari matapos magkaroon umano sila ng alitan ng kanilang obispo.

Dagdag pa ng pamilya, nauwi raw sa mental breakdown anh depresyon ng biktima, kaya naman naniniwala silang walang foul play na naganap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *