Denise Laurel, super happy

Masaya ngayon sa buhay ang aktres na si Denise Laurel at ayon sa kanya, mas na-eenjoy niya ang single life kaya ang lahat ng panahon at oras niya ay kanyang inilalaan sa sarili, sa trabaho at sa nag-iisang anak.

“Right now, I love being by myself. Less stress, less hassle, less worrying about joggling so much of my time. Really enjoying every bit of my creativity na petiks lang ako sa time ko,” saad ni Denise sa isang online interview.

Dagdag pa niya, kuntento at maligayang-maligaya siya ngayon kahit walang lalaki sa buhay niya.

“I can go with my own flow. I can enjoy and take care of my son the way I want to. I can be myself without any judgment. So I’m so happy just being single. God, ayaw ko na ng sakit sa ulo,” sabi ni Denise.

Aminado rin siya na kapag nasa isang relasyon siya, talagang bigay-todo siyang magmahal. Pero sabi ng celebrity mom, hindi naman sa isinasara ang kanyang puso sa usaping lovelife.

“Well, I’m not God. So if God wants me to be with somebody, yeah, sure. But feeling ko I am so cool by myself, like I don’t need anyone or anything. Of course, I’m so thankful for my family and friends. If God wants, gagawan niya talaga ng paraan kahit ayaw ko. Pero for now, no,” mariing sabi ni Denise.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *