Julia Montes, absent sa farewell walk

Maraming mga netizens ang nakapansin na parang wala ang aktres na si Julia Montes sa farewell walk FPJ’s Ang Probinsyano na ginanap sa ASAP Natin To ng ABS-CBN.

Nitong Linggo, nagbigay ng tribute ang ASAP sa cast members ng serye sa pangunguna nina Coco Martin, Angel Aquino, Shaina Magdayao, John Prats, John Estrada, Raymart Santiago, Lorna Tolentino, Michael de Mesa, Rowell Santiago at John Arcilla.

Naroon din sina John Medina, Sancho Vito delas Alas, CJ Ramos, Marc Solis, Jay Gonzaga, Bassilyo, Smugglaz, Karl Medina, Whitney Tyson, Geoff, Eigenmann, Jimboy Martin, at Dax Augustus.

Sina Regine Velasquez at Sharon Cuneta ang kumanta ng soundtrack ng “FPJAP” at pinagitnaan nila si Coco a.k.a. Cardo Dalisay.

Pero napansin nga ng mga netizens na wala ang aktres sa pagtitipon, kaya naman nagpaliwanag ang handler ni Julia na si Marc Merla ng Cornerstone Entertainment.

“May shoot kami for online endorsement bawal sabihin kung ano kasi new product plus may contract kaya hindi puwedeng i-cancel,” saad ni Mac sa isang panayam. “Saka hindi rin na-invite kasi nalaman nga na may commercial shoot.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *