Sa sagingan nag-bahay-bahayan

Musmos ring ganador (13) ang humalay sa walong-taong gulang na paslit sa isang sagingan sa Rizal, Cagayan, noong Linggo.

Sa ulat ng Rizal Police, hapon nang yayain umano ng suspek ang kaibigan at nakababatang kapatid nito na maglaro sa kanilang bahay sa Brgy. Mabbang.

Sa halip na sa bahay ay sa sagingan sila napadpad. Doon ay bigla na lamang itinulak pahiga ng suspek ang biktima saka naghubad ng salwal. Sapilitan ding hinubaran ng pang-ibaba ang biktima at saka nagniig sa damuhan.

Nagbanta pa ito na papatayin ang biktima at kapatid nito kung may pagsusumbungan.

Sa kabila noon ay nagsumbong pa rin ang biktima sa kanyang mga magulang na agad ding humingi ng saklolo sa mga awtoridad.

Base sa resulta ng medical examination sa biktima ay wala namang naganap na penetration sa kanya.

Pansamantalang nasa pangangalaga ng kanyang mga magulang ang suspek dahil hindi ito maaaring maikulong at menor de edad pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *