Yassi Pressman, bumuwelta

Isa-isang sinagot ng aktres at TV host na si Yassi Pressman ang mga katanungan kaugnay sa estado ng kanyang pangangatawan sa kasalukuyan.

At ang pagsagot niya ay idinaan niya sa isang video blog upang sabihin na wala talaga siyang isyu sa kanyang katawan.

Sa kanyang IG, ipinakita ni Yassi ang video kasama ang titulo ng naturang online article na, “Yassi lumobo tiyan; lumapad balakang.”

Isang workout session niya idinaan ang kanyang pagsagot sa mga bashers at iginiit niyang komportable siya sa kanyang katawan at wala siyang issue sa “size and shape” ng kanyang katawan.

“I’m comfortable in my skin, I’m cozy with who I am,” ang sabi ni Yassi. “Here’s a vid of me in the middle of a workout, when I saw this. with no makeup and my messy hair cause idc gurl, just do you booboo. Don’t let anyone tell you otherwise.”

Nanawagan rin ang dalaga sa kanyang fans at socmed followers, sa halip na pag-aksayahan ng panahon ang mga balita tungkol sa kanyang timbang, mas okay kung pagtutuunan ng pansin ang mga makabulahang balita.

“How about let’s read the first article that used this photo that talks about the platform that we built to provide more opportunities for the Filipinos,” sabi ng dalaga.

“More than my tummy getting bigger & my hips getting wider. Cause women (and men) can be whatever size they wanna be. But thanks for the compliment,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *