AJ Raval, natupad ang pangarap

Naabot na rin ng aktres na si AJ Raval ang matagal na niyang pangarap na maging action star upang masundan ang yapak ng kanyang amang si Jeric Raval.

Ayon sa sexy actress, isa talaga sa pangarap niya ang mapabilang sa mga action movies dahil bata pa lamang siya ay gusto na niyang sundan ang kanyang ama.

Si AJ ang bida sa bagong Vivamax movie na “Sitio Diablo” kung saan maipakikita nga ng dalaga ang galing sa pag-aaksyon na namana niya sa kanyang tatay.

“Okay po ako sa mga action scenes na ginawa ko dito. Tsaka gusto ko po talagang i-push na maging ation star,” sabi ni AJ. “Bata pa lang po kasi ako tinuturuan na po akong mag-aksyon, eh. Tinuturuan niya (Jeric) akong sumipa nang mataas.”

“Siya rin po ang unang beses na nagpahawak sa akin ng baril, yung mga ganu’ng bagay. Tinuturuan po niya ako nang tamang pag-handle ng baril, ng mga knife,” dagdag ng dalaga.

“Actually, dream ko po talaga ang mag-action. Nag-i-start pa lang po ako sa showbiz, dream ko na so happy naman po ako na nakagawa kami ng ganitong klase ng pelikula,”sabi pa niya.

Siyempre, kapag action movie, hindi talaga mawawala ang love scenes at dito raw sa “Sitio Diablo” naging challenge din kay AJ ang maiinit na intimate scenes nila ni Kiko Estrada na first time niyang nakatrabaho.

“’Yung love scene po namin ni Kiko kasi umabot po kami sa point na napaso po ako ng sigarilyo. Nagkaroon po ako ng mga pasa sa katawan kasi first time po yata ni Kiko na makipag-love scene nang ganoon,” sabi ng dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *