Herlene Budol, proud sa narating

Isang bagong bahay ang iniregalo sa komedyana at beauty queen na si Herlene Budol na mula sa kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Sa kanyang pinabagong vlog, nagpasalamat ang dalaga sa kanyang manager habang ipinapakita niya ang loob at labas ng kanyang bagong bahay na matatagpuan din sa kanyang hometown na Angono, Rizal.

Ayon kay Herlene, ang house and lot ang isa naging motivation niya sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas 2022 pageant.

“Sobrang generous niyang tao, ang unang minotivate niya sa akin, ‘Nak sumali ka, hindi naman para sa akin ito, e, para naman sa iyo ito, e.’ Hindi talaga siya tumigil na i-push ako every day na magkikita kami. Sinasabi niya sa akin, ‘Kaya mo iyan, ano ka ba?’” saad ni Herlene tungkol sa kanyang talent manager.

Practicality rin umano ang nagtulak sa kanya upang sumali sa Binibining Pilipinas.

“Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko. Kung nakikita niyo naman sa mga vlog namin, wala kaming kisame, mainit yung bahay namin, magulo yung bahay namin. Isa yun sa pangarap ko, na magkaroon kami ng bahay,” sabi ni Herlene.

Ikinagulat din ng lolo ng dalaga na si Tatay Oreng ang pagkakaroon nila ng sariling bahay. Kitang-kita sa reaksyon nito ang kaligayahan nang makapasok na sa bagong tahanan.

“Parang ang bigat, yung saya namin naghahalo na sobra. Masaya kami kasi may bahay ganyan. Pero sayang wala si nanay, tapos di namin ma-feel na may bago kaming bahay kasi parang panaginip lang. ‘Tay gising na tayo tara, almusal tayo.’ Tay pag may mga friends ka tapos gigimmick kayo, dito na lang kayo sa bahay. Party place mo na talaga ito ‘Tay,” sabi ni Herlene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *