Chloe Jenna, maraming offers

Aminado ang sexy actress na si Chloe Jenna na marami na siyang nakukuhang offers upang pumasok sa showbiz kahit noong nag-aaral pa lamang siya sa kolehiyo.

Ayon sa Vivamax bombshell, kahit gustuhin niya noon na pumasok na sa showbiz ay nais umano ng mga magulang niya na tapusin muna niya ang kanyang pag-aaral bago siya sumabak sa pag-aartista.
Si Chloe ay kasama sa pelikulang “Lampas Langit” na offering ngayon ng Vivamax.

“For me ‘yung temptation na naisip ko, noong during college po. Noong nagkakaroon na po ako ng offers na pumasok sa movies, ganyan, sa showbiz. Pero, bawal po talaga kasi ayaw po ng parents ko hangga’t wala daw po akong diploma,” sabi ng dalaga.

Inamin rin niya na talagang na-frustrate umano siya noon, pero nagpapasalamat pa rin siya sa guidance na ibinigay ng kanyang mga magulang upang tapusin ang kanyang pag-aaral.

“So talagang, nakaka-frustrate siya, I know nga parang I remembered na may mga projects na parang what if ito na ‘yun. Ito na ‘yun tapos hindi ko siya tatanggapin. Pero, I’m glad na nakinig ako sa parents ko kasi worth it naman yung pang hihintay pa rin. And happy ako kasi ‘yun lang naman ‘yung hinihiling nila sa akin na matapos ko ‘yung education,” kuwento ni Chloe.

Handa rin umano ang dalaga sa kahit anong daring roles na ibibigay sa kanya.

“Sa akin po, handang handa na ako. Wala na po akong any hindrance na ngayon na po na binigyan na ako ng chance ng Viva, I can say naman po na prepared na po ako na gumawa ng any roles. Lalo na po na course ko din sa U.P., at pinag-aralan ko ‘yan ng four years,” sabi ni Chloe.

“So excited na lang po ako sa mga opportunities na darating sa akin. And ready po ako mag-take ng any challenge sa any films na ibibigay po sa akin ng Viva,” dagdag niya.

Kasama ni Chloe sa pelikula sina Christine Bermas, Ricky Davao, Baron Geisler at Milana Ikimoto at directed ito ng dating Smokey Mountain member na si Jeffrey Hidalgo, na nalilinya na ngayon sa paggawa ng erotic films.

“Noon ko pa tinatarget ang erotic genre. I’m fascinated with dark materials and ‘Lampas Langit’ is very dark. It’s the kind of mind-fuck film that will make you think from start to finish. Kakabahan ang viewers habang nanonood sila,” sabi ni Direk Jeffrey.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *