Friends to all and enemies to none – ito ang independent foreign policy na cut-out sa dating polisiya ng administrasyon ni Pangulong Duterte na itutuloy ng administrasyon ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim ng nabanggit na polisiya, ang pangunahing konsiderasyon ay ang interes at welfare ng Filipino people.
Ito ay sa gitna ng jitters na nararamdaman sa Asya dahil sa patuloy na pagdalaw ng mga dignitaries mula sa Estados Unidos tila may namumuong gulo sa Asya.
Kasi nga mga Katribu, mula ng dumalaw si Pelosi sa Taiwan at si Blinken naman sa Maynila, parang nagkakaroon ng posisyunan para magkaroon ng gulo dito sa Asya. Huwag naman mga Katribu, kasi hindi natin kakayanin ang ganyang development.
Kaya mahalaga ang Independent Foreign Policy na sinimulan ni Presidente Duterte ay maitaguyod ni President BBM.
Pero ano itong napabalita na pati ang Presidente ng South Korea ay iniwasan makipagkita kay US House Speaker Nancy Pelosi nung ito ay dumalaw sa South Korean pagkatapos sa Taiwan?
Para sa China naman kasi, ang Taiwan ay isang probinsya lamang ng kanilang bansa at hindi “separate country”. Nakasulat ito sa mga libro kahit pa sa pampublikong dokumento ng Taiwan ngunit meron pa daw na mga pekeng eksperto na bumabase lamang sa itinuturo ng US.
Ang US mismo ay pumirma sa “One China Policy” at ang pagbisita ni Pelosi ay pinapakita sa Taiwan ay parang kabaligtaran nito? Nagtatanong lamang kasi sabi nga kung ganito ang largahan parang hindi mapagkakatiwalaan ang Estados Unidos.
Nagsabi naman ang China na gusto niya peaceful reunification with Taiwan, pero pag ang Taiwan namilit humiwalay o ang Amerika ang makigulo, handa din sila sa digmaan.
Ayan mga Katribu, bakit kailangan dumating ang sitwasyon sa bakbakan samantalang puwede namang exhaust all peaceful things para maresolbahan ang maaring maging sigalot.
Kasi, baka ang mangyari, matapos ang madugong bakbakan sa Ukraine laban sa Russia; posibleng Taiwan na naman ang guguluhin ang maurot o maprovoke umano ng US na nasa Asya.
Sana naman huwag dumating sa ganitong punto dahil mapapasubo ang ating bansa kabilang ang lampas 500,000 OFWs sa Taiwan at sa China.
Dapat ang malalaking bansa ay hindi mag-udyok ng kaguluhan sa halip ay tulungan ang maliliit na bansa, kasi tingnan po natin ang nangyari sa Ukraine na dating magandang bansa ngayon ay nawasak na at maraming buhay ang nasawi.
Sana makita ng urot na bansa na huwag paypayan ang sigalot sa pagitan ng Taiwan at Tsina kasi posibleng madamay ang Pilipinas dahil meron po tayong kasunduan sa Amerika and its possible na madrag tayo at we cannot afford that. Cool lamang po tayo kasi we need friends not enemies.