Misis pinagtataga ni mister

Agad na nasawi ang isang babae sa Cagayan nitong Martes matapos pagtatagain ng kanyang mister ng jungle bolo.

Kinilala ni PMaj. Jose Cabaddu, hepe ng Pamplona Police, ang nasawing si Evangeline Pagarigan, habang ang kanyang mister, na itinuturong nasa likod ng krimen, ay kinilalang si Relix Pagarigan, isang tanod-bayan sa Barangay Gattu, Pamplona.

Natagpuan umanong naliligo na sa kanyang sariling dugo ang biktima sa loob mismo ng kanilang silid ng mister.

May mga tama ng taga sa balikat at leeg ang biktima.
Wala naman sa kanilang bahay ang mister na mabilis ding nakatakas matapos ang insidente.

Matinding selos ang tinitignang motibo ng mga awtoridad sa likod ng pagpatay.

Nagkasa ang pulisya ng manhunt operation laban sa lalaking Pagarigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *