P100K para sa 2 centenarians 

Dalawang lolang umabot sa 100 years old ang pinarangalan ng pamahalaan ng Navotas kasabay ng pagbibigay ng tig-P100,000 sa kanila.

Ang nasabing cash gift cheque ay ipinagkaloob mismo ni Mayor John Rey Tiangco nitong Miyerkules kina Florentina Evangelista ng Tanza 1 at Leonila Siajuat ng Brgy. San Jose na una na ring nakatanggap ng tig-P10,000 mula sa pamahalaang lungsod nang magdiwang sila ng kanilang kaarawan noong Marso at Abril.

Malugod ding binati ni Cong. Toby Tiangco ang mga lola at sinabing hangad niya ang patuloy na kalakasan at mahaba pang buhay ng dalawang centenarian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *