Christine Bermas, tumodo na

Mas tumodo pa sa paghuhubad ang Vivamax bombshell na si Christine Bermas sa pinakabago niyang pelikula na “Lampas Langit” at ayon sa dalaga, kahit halos nakita na ang kanyang buong katawan ay may bago pa rin siyang ipapakita sa pelikula.

Kung matatandaan, talagang nag-frontal nudity ang dalaga na isang certified NBSB o no boyfriend since birth sa Scorpio Nights 3 at ipinakita ni Christine sa movie ang kanyang hubo’t hubad na katawan.

Pero aniya, kahit na nga halos ibuyangyang na niya ang “langit” sa “Scorpio Nights 3” may mga bago pa rin naman siyang pasabog sa erotic-thriller na “Lampas Langit” na mapapanood na sa Vivamax bukas, August 19.

“Well, I hope so po. Both of them are very sexy, but mas may kakaibang drama ang ‘Lampas Langit’ kasi it’s also a thriller. The story revolves on two couples. Una, kami ni Sir Ricky Davao. Then sina Baron Geisler and Chloe Jenna, who play husband and wife. They think that I am the daughter of Sir Ricky and Baron is attracted to me. We have an affair and later on, maraming secrets ang mari-reveal hanggang sa dumating sa explosive ending,” sabi ni Christine.

Dagdag pa ng dalaga, mas challenging pa raw ang role niya sa “Lampas Langit” bilang si Belle kesa sa Pinay character niya sa “Scorpio Nights 3”.

“Ang story po kasi ng ‘Lampas Langit’ is about manipulation and it will be revealed later on na yung character ko, na akala ng mga tao’y tatahi-tahimik lang, is a scheming manipulator with her own designs on the other characters. It’s more of an acting piece,” saad ng dalaga.

Ang “Lampas Langit” ay mula sa direksyon ng actor-singer na si Jeffrey Hidalgo at sa panulat ng award-winning screenwriter na si Racquel Villavicencio.

Ayon kay Jeffrey na member din noon ng OPM iconic group na Smokey Mountain, ang “Lampas Langit” na ang boldest and most daring film na ginawa niya after “Silong” and “Eva”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *