Ivana Alawi, posible nang magka-BF?

Ngayon nasa lock-in taping ang aktres at sexy vlogger na si Ivana Alawi para sa “A Family Affair”, mukhang nagkakaroon ng budding romance ang dalaga sa isa sa mga bida ng teleserye.

Nitong nakaraan kasi, nagsend ng mensahe ang aktor na si Jake Ejercito na ini-screenshot niya at saka ipinost sa IG story at ang caption nito ay “Nice talking, ano gusto mo Starbucks?”

Kung makikita ang mga behind the scenes, mukhang ang pagiging close ng mga karakter ni Ivana at Jake sa serye ay nadadala na rin nila off-cam, kung saan talagang nagkukuwentuhan sila tungkol sa buhay-buhay kaya siguro nabanggit ng aktor ang, “nice talking.”

At bilang friendly gesture ay nagtanong kung anong gusto ng aktres na maiinom at dito pumasok ang tanong kung gusto nito ng kape.

Pero ang isinagot lang ng dalaga ay funny picture na hindi namin alam kung gusto o nagpapa-cute kay Jake. Posible ring nahiya siyang tumanggi pero kailangan niyang gawin dahil baka may magalit on her part?

Kaya namin ito nabanggit ay posibleng sitahin o pagmulan ng hindi pagkakaunawaan sa parte ni Ivana ang umano’y boyfriend niya.

Since close sina Jake at Ivana at base sa bonding moments nila ay posibleng nagkuwento na ang aktres ng buhay niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *