Talagang certified dog lover ang aktres na si Carla Abellana at makikita ito matapos niyang ipost sa social media ang pagkakahuli sa isang indibiduwal na umano’y dog meat trader.
Isa si Carla sa mga kilalang personalidad na talagang mahilig mag-alaga ng mga hayop at sa katunayan, bukod sa pagiging fur parent ay parte rin ng kanyang adbokasiya na pangalagaan at protektahan ang mga hayop laban sa anumang uri ng pananakit o pang-aabuso.
Sa kanyang IG, ibinahagi ni Carla ng larawan ng umano’y dog meat trader.
“Kulong ka ngayon,” sabi ni Carla sa caption.
Ayon sa ulat, ang nahuling dog meat trader ay nakilalang si Hernando Polintan, isang empleyado ng Barangay Pitpitan’s Materials and Recovery Facility.
Sa post ni Carla, sinabi nitong nasa isang dosenang aso na nakapasok sa sako ang na-recover ng mga otoridad mula sa dala-dala nitong baranggay vehicle.
Ang nahuling dog meat trader ay haharap sa kaso ng Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act as amended by RA 10631.
Marami naman sa mga netizens ang nag-comment at sumaludo sa ginawa ng Animal Kingdom Foundation o AKF.
“I hope everyone who does these things gets punished,” saad ng isang netizen.
“Thank you AKF. Hoping that you always continue your advocacy helping the voiceless animals and the subject who did the activities/y of dog meat trader and animal cruelty will face their consequences not only now but every time there were such kind of activities because animals are voiceless and they need also protection from human being and give value to them ..they deserve good treatment from us,” sabi naman ng isa pang netizen.
Babala ni Carla, nawa’y magsilbing aral ito para sa mga iba bang mga dog meat traders na gumagawa ng mga illegal na gawain gaya ng pagkatay sa mga hayop.
“AKF will make sure that we’ll get justice for all the his voiceless victims. Let this be a warning to all dog meat traders out there. It won’t be long ‘til we get to you,” sabi ni Carla.