Maja Salvador, istrikto

Aminado ang mga nakakakila sa aktres na si Maja Salvador na istrikto ito pagdating sa pagtatrabaho at isinasantabi muna ang friendships.

Isa si Kakai Bautista sa mga matagal nang kaibigan ni Maja at sa katunayan ay suportado ng una ang lahat ng pinagdaanan ng huli pagdating sa buhay pag-ibig nito noon pang 2016.

Lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa kaya naman kapag may project si Maja ay lagi niyang isinasama si Kakai kung libre ito at isa nga ang “Oh My Korona” (OMK), weekly sitcom ng una na napapanood sa TV5.

Ang “Oh My Korona” ay line –produced ng Crown Artist Management na pag-aari nina Maja at fiancé niyang si Rambo Nunez for Cignal Entertainment at TV5.

Ibinuking ni Kakai na pagdating sa trabaho ay istrikto si Maja at isinasantabi muna nito ang pagkakaibigan.

“Sa totoong buhay po talaga komedyana si Maja. Maloko talaga siya kapag normal namin nila Thou (Reyes), Pooh. Talagang makulit si Maja, so, nailabas niya rito ‘yung pagka-komedyante niya. Siyempre kaming magkakasamang magkakaibigan hindi lang kami nage-enjoy ng company sa isa’t isa masaya po na magkasama kami sa trabaho kasi nagkakatulungan kami, collaborative po kung ano ‘yung show namin kung may suggestions o kaya may kulang like ‘okay ba ito, okay ba ‘yung acting ko anong masasabi mo.’ So, masaya po naka-trabaho rin namin ang kaibigan namin,” sabi ni Kakai.

At dito inamin ng singer/actress na, “pero istrikta kasi siya ang producer. Bukod sa artista siya, siya ang line producer, (tulad) ‘o bilis-bilis (kumilos). Kaya (sabi namin), ‘ay ang taray ng producer. So, kami laging (mabilis). Iba rin ‘yung pagiging istrikta niya rin as a manager at siyempre iba rin ‘yung natutunang disiplina ni Maja kaya nga siya Maja Salvador kasi disiplinado siya pagdating sa work. So, ikaw din mae-engganyo ka na o bilisan nating kumilos.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *