2 bagitong pusher nalambat sa buy-bust

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang baguhang identified drug personalities matapos masakote ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, Linggo ng madaling araw.

Sa ulat ni Malabon police chief Col. Albert Barot, ay kinilala ang naarestong mga suspek bilang sina Alvin Mallillin, 37, Joyride rider at Donnie Bernardo, 38, jobless, pawang mga residente ng Caloocan City.

Alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguma ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Dr. Lascano corner Estanio St., Brgy. Tugatog kung saan isang undercover police ang nagawang makabili ng P300.00 halaga ng shabu mula sa kanila.

Matapos tanggapin ang buy-bust money mula sa nagsilbing police poseur buyer kapalit ng isang maliit na transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ay doon agad na dinamba ng mga pulisya ang dalawa.

Nakumpiska mula mga suspek ang humigi’t kumulang pitong gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600 at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *