Anne Curtis, bilib kay ‘Darna’

Matapos mapanood ang Mars Ravelo’s Darna series, sinabi ng TV host at aktres na si Anne Curtis na bilib siya sa aktres na si Jane de Leon na gumaganap bilang Pinoy superhero na si Darna.

Kung matatandaan, nitong Biyernes ay nasaksihan na ang pagpapalit-anyo ni Narda at talaga namang naging pasabog ang costume ng iconic Pinay superhero na nag-viral at nagtrending pa sa social media.

Ayon kay Anne, “You look so good Jane!!! Go Darna!!”

Si Anne ay gumanap din sa isa pang nilikhang karakter ni Mars Ravelo sa komiks, ang “Dyesebel.”

Sagot naman ni Jane sa kanya, “Thank you Ate Anne! My Dyosaaa!”

Isa nga lamang si Anne sa libu-libong pumuri sa transformation ni Jane as Darna na noong una’y kinukuwestiyon pa ng mga bashers kung bakit siya ang napili bilang tagapagmana ng mahiwagang bato ng Pinay superhero.

Mapapanood ang “Mars Ravelo’s Darna” mula Lunes hanggang Biyernes sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, CineMo, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *