Inilahad ng aktres na si Andrea Torres na nais niyang magtayo ng isang foundation para sa mga kagaya ng kanyang nakababatang kapatid na na-diagnose ng down syndrome with mild autism.
Kuwento ng dalaga, hindi naman umano ito inilihim ng kanilang mga magulang ang kondisyon ng kapatid kahit noong bata pa ito at ang kapatid rin na si Kenneth ang nagong dahilan ng kanyang matinding pananampalatay sa Panginoon.
“Through him, parang naging solid ‘yung faith namin kasi ang daming miracle sobra,” sabi ni Andrea at ayon pa sa dalaga, naging sunud-sunod ang operasyon ni Kenneth nang ma-diagnose ito sa kanyang sakit ay hindi nito naiwasang maiyak.
“Sinabihan na kami na two weeks na lang daw. Syempre kami alam naman naming na hindi mahaba ang lifespan nila pero ‘di ka naman magiging ready ‘di ba?” sabi ng dalaga.
“Ngayon, he’s with us. Under maintenance siya ng mga gamot pero happy, healthy at strong [ang kapatid ko],” dagdag pa ni Andrea.
Aminado si Andrea na ang kapatid niya ang isa sa inspirasyon niya kung bakit siya nagpupursige sa showbiz.
“Gusto ko magka-movies. Gusto ko magka-endorsements. Gusto ko magkaroon ng foundation especially doon sa kapatid ko. Gusto kong buhayin ang awareness ng tao sa Down syndrome,” sabi ni Andrea.
Pag-amin niya, apektado siya sa tuwing may mga nagbibiro patungkol sa sitwasyon ng kapatid at ng iba pang katulad ni Kenneth.
“Hindi ako confrontational na tao pero meron pa ring nagjo-joke about them. Minsan may nakakahalubilo ako, ginagaya nila. Siguro hindi nila alam na may kapatid akong ganu’n,” dagdag ng dalaga.
“Minsan syempre ‘pag nilalabas mo nila minsan may nai-iritate pa rin na parang minsan na lang siya makalabas hindi naman niya alam ang ginagawa niya. ‘Di naman siya aware.”