Lovely Abella, tinamaan uli ng COVID-19

Inamin ng aktres at entrepreneur na si Lovely Abella na tinamaan siyang muli ng COVID-19 kung saan nahawa rin umano sa kanya ang asawang si Benj Manalo kaya mas lalo pa raw siyang nadismaya.

Sabi pa niya, kahit bakunado na siya at may booster shots ay nararamdaman pa rin niya ang malakas na epekto ng ikalawang round niya laban sa COVID-19, kaya muli niyang pinaalalahanan ang publiko na hindi dapat makampante dahil kalat na kalat pa rin ang virus at meron pa rin talagang pandemya sa Pilipinas kahit na marami nang bakunado at may booster pa.

Noong August, 2020 nang unang mahawa ng COVID-19 si Lovely pero siya ay asymptomatic.

“Nagpapaalala na nasa tabi tabi lang siya at di nawawala, nagpapaalala na magiingat pa din tayo lalo na ang iba di naman nagiingat, nagpapaalala na ibalik ang dati kung paano tayo katakot sa kanya.
Nagpapaalala na dapat isipin mong asymptomatic ang kausap mo at ayaw mong mahawa sa kanya,” sabi ni Lovely sa kanyang IG post.

Sabi pa ng aktes, hindi niya inaasahan na tatamaan uli siya ng COVID-19 at symptomatic pa dahil nga bukod sa bakunado ay may booster pa siya.

“Yes vaccinated ako may booster pa pero pakiramdam ko mas malakas siya, mas malala ang symptoms na nararamdaman ko ngayon. Mas natakot ako di para sa sarili ko kundi para sa anak ko at mga mas matanda sakin. Di pa din tayo safe ang mundong ginagalawan natin ay di pa din safe,” dagdag pa niya.

“Nadamay ko pa ang Asawa ko dahil siya ang nag aalaga sakin, madami akong plano this year pero nabago dahil sa paalala na di pa din safe ang mundo. Nag-ingat naman ako pero siguro may nakaligtaan ako kaya muli nagkaCovid ako. Kaya please tripleng ingat, malakas siya at kawawa ang mga mahihina ang resistensiya,” sabi pa ng Kapuso comedienne.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *