Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) nitong nakaraan na hindi umano magkakaugnay ang ang serye ng mga kidnapping na naiuulat sa iba-ibang bahagi ng Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo, tila magkakaiba ang motibo ng mga nahuling suspek sa kidnapping.
“Itong mga insidente na ito ay masasabi natin na hindi naman talaga ito gawa ng isang grupo ng isang tao, yung mga nahuli nating suspek at mga kasong ito ay kanya-kanyang silang may personal na motibo,” sabi ni Fajardo sa isang panayam sa radyo.
Dagdag pa niya, nakatakdang magpasa ng PNP kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ng isang “comprehensive” na ulat tungkol sa mga kidnapping at pagpatay sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon kay pa Fajardo, ipinag-utos na ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang pagde-deploy ng mas maraming pulis sa mga kalsada.
“Pati yung ating mga police na duty sa mga administrative work sila ay na rin po ay palalabasin na rin particularly yung mga naka-assign po sa mga regional headquarters, national headquarters para makatulong po at ma-complement po yung mga pulis po natin nagre-render ng patrol duties,” saad ni Fajardo.
“Pati na rin po yung ating mga pulis sa barangay ay ipapa-reactivate po… ‘Yung ating mga barangay police action teams po ay base na rin po sa utos ng ating SILG ay ire-reactivate po ‘yan para makatulong po sila sa pagpapatrol,” dagdag pa ng opisyal.
Samantala, siyam na katao sa Batangas ang nawawala simula pa noong 2021, batay sa inilabas na tala ng Lipa City police.
Ang mga nawawala na nakaalarma sa iba’t ibang police station ng lalawigan ay nagmula sa Lipa City, Batangas City, Tanauan City, at sa bayan ng Sta. Teresita, na pawang nawala sa Lipa City — at hanggang ngayon ay wala pang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga ito.
Pinakauna sa talaan ay ang magkasabay na nawala na sina Bryan Arthur Cuenca, 41-anyos, taga-Barangay 10, Lipa City, na nadiskubreng nawawala mula pa noong 2:30 ng hapon ng Mayo 30, 2021, kasama ni Limuel Pantua, taga-Barangay Bolbok, Lipa City.
Magkasunod namang nawala sina Jerome Mark Balaye, 26, isang water refilling driver, single at residente ng Brgy. Pacifico, Sta. Teresita, Batangas na nawala noong Hunyo 15, 2021 ng umaga at ang barangay kagawad na si Joel Guevarra mula ng Purok 5, Brgy. Antipolo Del Sur, Lipa City, na nawala naman sa kasunod na araw noong Hunyo 16 ng umaga.
Buwan naman ng Hulyo nang nawala si Roderick Villaluna, isang poultry boy mula sa Mindoro at residente ng EDC Poultry Farm sa Brgy. Rizal, Lipa City na nawala noong Hulyo 11 ng umaga,
Hulyo 14 naman ng umaga nang mawala rin sa Lipa City ang 27 anyos na construction worker na si Jymer John Paul Andal, taga-Sta. Teresita Batangas.
Noon namang Hulyo 18 ng gabi nang maiulat na nawawala ang tricycle driver na si Hector Caraos na taga-Mataas na Lupa, Lipa City.
Isa namang 29 anyos na call center agent na babae na kinilalang si Charito Galang ang naiulat na nawawala din noong Nobyembre 18, 2021 ng hapon.