Erpats dedo sa away ng anak

Isang padre de familia ang patay matapos na umawat sa away sa pagitan ng kanyang anak na sugatan din at pinagkakautangan nito sa Cavite nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mario Napili, 66, ng Brgy. F. Reyes sa General Mariano Alvarez, Cavite, habang sugatan din ang kanyang anak na si Marlon, 35-anyos.

Sa ulat ni PLt. Col. Richard Corpuz, ng GMA Police station, ay nagtungo umano ng suspek na nakilalang si Fahad Datu Sapadas sa bahay ng biktima upang singilin sa kanyang utang na P1,700 ang anak nitong si Marlon Alvarez.

Bigla na lamang umanong nagkagirian ang ng suspek at si Marlon na nauwi sa mainit na pagtatalo.

Agad namang umawat ang amang Alvarez ngunit sabay namang bunot ng baril ng suspek saka pinutukan pareho ang mag-ama na ikinasawi ni Mariano.

Mabilis namang nakatakas ang suspek patungo sa binabaybay ng Laguna ngunit nitong Biyernes ay naaresto rin sa isinagawang naman follow-up operation sa inuupahan niyang bahay sa Muntinlupa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *