Marian Rivera, hands-on mom

Talagang pinaninindigan ng aktres na si Marian Rivera ang kanyang pagiging isang ina kaya naman hands-on talaga siya pagdating sa kanyang asawa at mga anak, kaya tuluy-tuloy na ang kanyang pagtatrabaho ngayon, sinisiguro ng TV host-actress na nagagampanan pa rin niya ang pagiging wifey at mommy.

Bukod dito, may inaasikaso pang mga negosyo si Marian kaya naman mapapa-sana all ka na lang dahil kering-keri nga niya ang lahat ng responsibilidad at trabaho niya bilang all-around nanay.

Ngayon nga ay enjoy na enjoy siya sa pag-aasikaso sa dalawang anak nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto, lalo pa’t balik na sa face-to-face ang mga klase sa halos lahat ng school sa bansa.

Sa katunayan, nito lang nagdaang linggo ay nag-viral pa sa social media ang Instagram photo ni Sixto o Ziggy na naka-Lapu-Lapu costume para sa selebrasyon ng Buwan ng Wika. Mismong si Marian daw ang nag-prepare nito para sa anak.

“Gusto ko maging aligagang nanay, so ine-enjoy ko na hinahatid ko ‘yung mga anak ko sa school. Kasi si Sixto, nagpi-face-to-face classes na rin siya. Ako ‘yung gigising, ako nagpapaligo, nagpe-prepare ng baon and then hinahatid sa school. And then si Dong kapag wala siyang work, kaming dalawa ‘yung naghahatid sa school, ang sarap sa feeling na ako mismo yung nag-aasikaso sa mga kailangan nila,” sabi ng aktres.

Ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat makalipas ang halos tatlong taong paglaban ng mga Filipino sa pandemya, natutuwa si Marian na makita sina Zia at Sixto na nag-eenjoy na sa face-to-face classes.

“Unexpected kasi si Sixto, first-time niya at na-enjoy niya. Tapos kinukuwento niya kung ano nangyayari sa school. Well, si Zia naman, nakapasok na rin siya before. Super excited, sabi niya, ‘Mama, iba talaga when you go to school and then face-to-face with your classmates and teachers,’” sabi pa ni Marian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *