Rhen Escaño, napaiyak

Aminado ang aktres na si Rhen Escaño na marami pa siyang kayang gawin bukod sa pagpapa-seksi sa mga pelikula.

Sa isang mediacon para sa bago niyang project sa Vivamax, ang 8-episode series na “Secrets of a Nympho”, napaiyak si Rhen nang mapag-usapan ang tungkol sa estado ngayon ng kanyang showbiz career.

Marami umanong nakakapansin na madalang siyang bumida sa mga pelikula at mas marami pa umanong proyekto ngayon ang mga baguhang sexy star ng Vivamax kesa sa kanya.

“Pinipili ko talaga kasi ang projects na ginagawa ko. Ayoko nang umuulit, doing the same material. I want viewers to see na iba-iba ang ginagawa ko at hindi ‘yung parang nakakahon lang ako,” sabi ni Rhen.
Dagdag pa niya, hangga’t maaari raw ay ayaw na niya munang maghubad sa pelikula.

“Sana mabigyan naman ako ng chance na makita ng tao na may iba akong talent na puwede kong gawin. My career is so important for me, so I want to make sure na may positive na mangyari dito. Lahat ng networks, napagdaanan ko na. Umabot nga sa point na ayoko na. Nagiging emotional ako kapag pinanghihinaan ako ng loob kasi I really want to prove myself as an actress,” saad ng dalaga.

Samantala, natanong din siya kung meron ba siyang dream roles.

“Lagi kong sinasabi na gusto ko yung parang ‘Gone Girl’, very challenging ‘yung scheming character played by Rosamund Pike kasi she framed up her own husband, si Ben Affleck. Feel ko gawin ‘yung ganu’ng material, kaya tinanggap ko itong series na ito, ‘Secrets of a Nympho’, kasi ganitong type ang gusto kong gawin. I really want to grow as an actor,” dagdag niya.

Ang “Secrets of a Nympho” ay mula sa panulat ni Philip Neri at sa direksyon ni Shugo Praico ng Rein Entertainment na siya ring nasa likod ng award-winning series n “Bagman” at ang lesbian love story na “Betcin”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *