Andrea Torres, may hugot sa lovelife

Aminado ang aktres na si Andrea Torres na matapos ang kanilang hiwalayan ng aktor na si Derek Ramsay, mas natutuhan na daw niya ang pagmamahal sa sarili at masaya siya ngayon kahit single siya.

Ayon sa dalaga, super happy daw ang buhay niya ngayon bilang isang single and independent woman na matapang na lumalaban para sa kanyang karapatan, paniniwala at paninindigan.

Sa isang panayam kay Andrea, sinabi nito na may mga realizations siya matapos dumaan sa napakasakit na breakup.

“Kailangan mayroon ka ring identity. Kailangan i-spoil mo ang sarili mo. Hindi definition ng love ‘yung ganoon na kailangan give, kailangan lahat lahat ibuhos mo. Kailangan balance with everything talaga,” sabi ni Andrea.

Naniniwala rin si Andrea na darating din ang tamang panahon na makikilala niya ang lalaking itinadhana para sa kanya kaya raw ayaw din niy itong madaliin.

“Ibibigay naman siya ni Lord kapag ready na. At saka Mars, nandoon na ako sa point na siguro 28 pa lang ako, sinabi ko ready na akong ikasal. Pero ngayon na-realize ko na ang dami ko pa palang gustong gawin,” dagdag ng dalaga.

Sa ngayon, mas gusto raw niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang showbiz career at ang pag-discover sa kanyang sarili at ang tinatawag na self-love.

“Na-enjoy ko yung pag-discover ng sarili ko. Ang sarap ‘pag na-in love ka sa journey ng self-love and self-discovery,” sabi ni Andrea.

Aminado rin siya na inatake siya ng depression noong naghiwalay sila ni Derek at nawalan siya nang gana noong panahong yun at kahit maliit lang na bagay ay iniiyakan niya na malayung-malayo sa dati niyang ugali at personalidad.

“Wala ka nang ganang gumawa ng kahit ano. Ayaw mo nang tumayo, and every little thing iniiyakan mo. Parang lahat nagti-trigger sa ‘yo. Na ang layo-layo sa Andrea, sa usually Andrea na masayahin,

positive. Allergic ako sa negative, e, kapag na-feel ko na may nega na, shift ko agad ‘yan, e. Pero nu’ng time na yun, bagsak talaga,” ang pahayag ng dalaga.

Kuwento ng aktres, isang mahabang proseso rin ang ginawa niyang pagmu-move on na sinimulan niya sa taimtim na pagdarasal at pagbabasa ng Bible.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *