Julia Barretto, protective sa personal life

Inihayag ng aktres na si Julia Barretto na talagang tini-treasure niya ang kanyang privacy lalo na pagdating sa kanyang personal na buhay.

Ayon sa dalaga, mas maganda umano na mayroong pagitan sa kanyang buhay bilang artista at sa personal niyang pamumuhay.

Nitong nakaraan, natanong kay Julia kung ano ang masasabi niya sa mga tsismis tungkol sa boyfriend niyang si Gerald Anderson at Kylie Padilla na nag-shooting kamakailan sa Switzerland.

“I’ve always been very private with my personal life. I think with everything that has happened before, I’ve learned to be protective of my personal life. So, I’d like to keep that as private as much as possible and I’m just drawing that boundary between work and my personal life,” sagot ng dalaga.

Samantala, maraming hugot na mapupulot ang mga manonood sa bagong pelikula ni Julia, ang “Expensive Candy” kung saan makakatambal niya for the first time ang award-winning actor na si Carlo Aquino.

Ayon kay Julia, ito na ang pinakamatapang at pinaka-daring at pinakapalaban na ginawa niyang pelikula mula nang mag-artista siya dahil for the first time tumodo nga siya sa pagpapaseksi.

Sa kuwento ng “Expensive Candy”, gaganap siya bilang si Candy, isang sex worker sa Angeles City kung saan makikilala niya ang virgin na high school teacher na si Renato played by Carlo.

Mula nang matikman ni Renato si Candy parang naadik na siya sa pakikipag-sex sa dalaga at sa bawat araw na kukunin niya ang serbisyo ni Candy, pataas din nang pataas ang sinisingil nito sa kanya.

Sabi ni Julia, may blessing naman daw ang kanyang nanay na si Marjorie Barretto sa pagtanggap niya sa pelikula.

“My mother also read the script and she liked it. It’s time for me to come out of my comfort zone and do more mature roles. When I read his script, I felt I want to do this. I’m 25 and I feel I need to grow in my craft. But it’s also important that you enjoy what you’re doing and so far, ito na talaga ang pinaka-daring na ginawa ko and I’m happy with the challenges it gave me,” sabi ni Julia.

Samantala, sa trailer ng movie may mga eksena na mapapatanong ka sa mga “what ifs” ng pakikipagrelasyon kaya naman natanong si Julia hinggil dito.

“As much as possible I don’t wanna get stuck sa what if. I always wanna have that mindset na kung saan ako napadpad dun ako meant na mapadpad. Although as persons, it crosses our minds. You know what if you took this way instead of that way. What if you chose this instead of that. At the end of the day, personally, ako masaya ako eh so, it means tama yung dinaanan ko. Tama yung pinuntahan ko.

So, if you go home and your choice makes you feel happy and you go home feeling that you made the right decision for yourself, even if it doesn’t even feel right now. If later on, that’s when you feel good about kung ano man yun, it means, kung anong meant,” paliwanag ni Julia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *