Gretchen Barretto, nagpaalam na sa showbiz?

Tuluyan na palang lilisaning aktres na si Gretchen Barretto ang showbiz at marami ang nalulungkot sa balitang ito.

Pero may mga nagsasabi na kung sakaling totoo ang balita ay lilisanin ni Gretchen ang showbiz na hindi laos o hindi naghihirap.

“Nasa itaas pa rin siya at naisipan niyang bumaba sa kanyang kinalalagyan, hindi siya ibinaba, kusa siyang bumaba. Ibig sabihin hindi siya inayawan ng mga tao at hindi rin naman niya inayawan ang mga tao kundi dinisyunan niya,” sabi ng isang showbiz host.

Ayon pa sa ilan, si Gretchen ang artista na kahit walang regular show o pelikula ay napanatili pa rin ang pangalan sa showbiz dahil parati siyang napag-uusapan, nasusulat at trending pa.

Lalo na nga sa ginawa niyang pagtulong sa lahat nang mamahagi siya ng “Love Box” bukod pa sa mga ambulansiyang ibinigay sa ilang hospitals.

Alam ng mga tao sa industriya na bata palang si Gretchen ay siya na ang breadwinner ng pamilya nila.

Nabanggit din na regalo na ni Greta sa sarili ang paglayo niya sa mundo ng showbiz pagkatapos ng maraming gulo lalo’t nasangkot sa maraming kontrobersya noong bata pa siya at ang pinakamatindi nga ay ang naghihintay ng paghihiwalay nila ng longtime partner niyang si Tonyboy Cojuangco na hanggang ngayon ay nananatiling sila pa rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *