Maine Mendoza, super thankful

Aminado ang aktres at TV host na si Maine Mendoza na hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa lahat ng blessings na natatanggap niya, kasama na ang kanyang pangarap na makasama ang lalaking gusto niya.

Ayon kay Maine, sobrang magmahal at mag-alaga ang kanyang fiancé at award-winning actor na si Quezon City First District Representative Arjo Atayde.

Dagdag pa niya, feeling daw niya super ka-level talaga niya ang mga reyna at prinsesa kung protektahan at pangalagaan ni Arjo at sa katunayan, iniisip niya kung ano ang mga nagawa niya para bigyan ng boyfriend na tulad ng aktor at kongresista.

“The way he loves and cares for me parang sobra and sometimes I really ask the Lord what have I done to deserve this kind of love,” sabi ni Maine. “I’ve always prayed to find a man whose gonna love me for who I am, then you came.”

Sa kanya namang Instagram page, nag-post din ang dalaga ng video clip ng naging narriage proposal sa kanya ni Arjo isang buwan na ang nakararaan. Mapapanood din dito ang naging reaksyon ng kanilang mga kapamilya at ilang malalapit na kaibigan.

“Been a month and it still feels surreal. Me and you, what a feeling,” ang nakasulat na caption sa IG post ni Maine.

Sa isang panayam naman kay Arjo, sinabi niyang bahala na raw si Maine sa venue at date ng kanilang wedding, “You know, for me, that’s her to answer, because that’s Maine’s decision for now. For me, I’m just here for whatever she wants, I’m ready.”

“To be honest, I’ve decided since, even before I’ve asked her, anytime. Anytime.

“It’s really a matter of us talking. This is a big step in our life, it’s another milestone, eventually have kids,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *