Nagdeklara state of calamity at state of emergency sa buong bayan ng Masantol sa Pampanga dahil sa tindi ng pagbaha na nararanasan sa lugar at nitong Miyerkules ay sinuspinde na rin ang mga pasok ng mga esutdyante.
Ayon kay Masantol Mayor Tonton Bustos, idineklara niya ang suspensyon nitong Miyerkules upang maalalayan ang ligtas na pag-uwi ng mga guro at estudyante lalot nagsisimula nang makaranas na ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Pampanga.
“Tayo po ay nagdeclare ng suspension of classes para sa mga afternoon class ngayong araw kahit kaninang umaga po walang masyadong ulan, hanggang mga 7 a.m., mga 7:30 a.m. ambon ambon lang kasi so nakapasok na mga kabataan, yung mga mag-aaral, pero bumuhos po ang ulan kaninang 8 a.m. hanggang 9:30 na may kasamang pagkulog at pagkidlat,” sabi ni Bustos.
Martes pa idineklara ang state of calamity at state of emergency sa buong bayan dahil sa tindi ng pagbaha.
“As the chief executive of the local government of municipality of Masantol, I have asked our municipal engineers, I have asked our MDRRMO, and the members of the local finance committee to immediately implement the allocated funds for the barangay drainage system and pathways to augment our people and alleviate the suffering because of severe flooding,” saad ni Bustos.
“It is on these premises that honorable vice mayor, and members of the Sangguniang Bayan that I humbly come before today to consider the declaration the state of calamity in our municipality to immediately address these present concern,” dagdag niya.
Sa ngayon nasa 19 sa 26 barangay sa bayan ng Masantol ang apektado ng pagbaha. Pinakamataas ang baha na nasa 1-2.5 talampakan ang taas sa Barangay San Isidro Matua at Sta. Lucia Paguiaba.
Sa tala ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 30 barangay na Masantol at Macabebe ang binaha.