Angeli Khang, nag-level up

Aminado ang sexy actress at Vivamax bombshell na si Angeli Khang na natutuwa siya ngayon sa mga nakukuha niyang oportunidad sa mundo ng showbiz.

Ayon sa dalaga, taliwas sa mga madalas niyang mga role sa kanyang mga pelikula, ang pinakabagong offering ng Vivamax na “Girl Friday” ang siyang pinaka-nanibago siya.

Matapos bumida sa sunud-sunod na sex-drama films at sa TV series na “Wag Mong Agawin ang Akin”, kakaibang role naman ang gagampanan niya sa bago niyang acting project.

“Nakakatuwa ang role ko rito kasi, usually, I played pokpok roles in my recent projects but dito, mayaman ako as the young wife of a rich politician, played by Kuya Jay Manalo,” sabi ni Angeli.

“So, sosyal ang dating ko dito, laging bihis-bihis at may suot na mga alahas,” dagdag niya.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakatrabaho niya si Jay Manalo na una niyang nakasama sa “Mahjong Nights” kung saan gumanap siyang stepdaughter ng aktor na nang-rape sa kanya.

“Mas naging close kami rito kasi before, I was just starting and super mahiyain pa ako. Hindi ako nagsasalita. Dito mas nakikipagkuwentuhan na ako sa kanya. Laging masaya kapag nasa set si Kuya Jay kasi laging maraming dalang pagkain. Nagpapaluto siya,” saad ng dalaga.

Sa “Girl Friday”, gumaganap si Angeli bilang si Amor, ang asawa ng babaerong politiko na si Fredie Ibasco played by Jay Manalo na tino-tolerate naman niya dahil sa pera.

Hanggang sa ma-involved sa threesome ang mag-asawa na mauuwi sa iskandalo at bayolenteng insidente.

“Maganda ‘yung story, kakaiba. Pareho kaming inaapi rito ni Jela ng husbands namin and we think of a plan to get even with them, parang female empowerment. Sabi nga sa tagline ng poster ng movie, ‘Babae ang nagpapaikot ng mundo.’ We show in the movie the best revenge battered wives can have, pero siempre, di namin pwede i-reveal dito what we did,” sabi ni Angeli.

Bukod sa sex scenes nila ni Jay, kaabang-abang din ang churvahan nila ni Jela Cuenca.

“We had kissing scenes ni Jela and it helps na close friends na kami since magkasama na kami sa first movie namin, ‘Taya’. But first time namin mag-kiss, so na-awkward kami kaya nag-holding hands muna kami nang matagal and we said, kaya natin ito. So we did it. And after the kissing, tawanan kami, kasi ang lipstick namin, nag-smudge sa isa’t isa,” saad ng dalaga.

Mapapanood na sa September 30 ang “Girl Friday” sa Vivamax.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *