Bangkay ng parak lumutang sa ilog

Blanko pa ang pulisya sa dahilan kung paano napadpad at nagpalutang-lutang sa ilog ang kanilang kabaro na natagpuan nitong Linggo sa Naga City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si PCpl. Jay Jalapadan, naka-assigned sa Regional Intelligence Unit 4A ng Provincial Intelligence Unit ng Cavite.

Hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima na sa ilog na sakop ng Brgy. Mabolo, ayon sa nakakitang si Oscar Lumabi, kasama siya sa isinagawang Fluvial Procession ng makita niya ang biktima na nakalutang at nakasuot ng PNP atlethic shorts.

Napag-alamang, bago ang insidente, Setyembre 15, nang magtungo pa umnao ang grupo ni Jalapadan sa Matnog, Sorsogon, para i-take over ang kustodiya ng isang wanted person.

Setyembre 16 ng 7:20 am nang dumating ang mga ito sa Naga City upang mag stopover at makapagpahinga.

Nang ala -1:00 am na ng Setyembre 17, ay umalis umano ang biktima at hindi nagpaalam sa mga kasamahan nito at mula noon ay hindi na nila nakitang buhay pa.

Mabilis namang tinunton ng kanyang mga kabaro ang biktima ngunit hindi nila ito matagpuan hanggang makita na nga itong nakalutang sa ilog.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulisya upang malaman kung anong nasa likod ng nangyari sa biktima.

Inaalam na rin kung may nangyari bang foul play sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *