Belle Mariano, nagwagi

Isang bagong milestone ang naitala ng young actress na si Belle Mariano nang maiuwi niya ang parangal mula sa 17th Seoul International Drama Awards bilang “Outstanding Asian Star” na ginanap sa South Korea.

Gumawa nga ng history ang young star dahil siya ang kauna-unahang Pilipino na nagawaran ng parangal mula sa naturang international awards.

Pinasalamatan naman ni Belle ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang career.

“Thank you for giving me this life-changing opportunity. To my bosses and management, Star Magic and Rise Artist Studio, thank you. Thank you as well for the cast, production crew of ‘He’s Into Her.’ Maraming, maraming salamat. Of course, to my partner Donny Pangilinan, it has been an amazing journey with you. Here’s to more and I share this honor with you,” saad ni Belle.

Hindi rin naman nakalimutan ng aktres na pasalamatan ang lahat ng kanilang fans na walang sawang nagbibogay suporta sa kanya.

“Of course, the supporters as well. I will not be here without you guys. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyo. And lastly, to the woman who molded me to the woman I am today, my mother, thank you so much. I love you, mahal ko kayong lahat at mabuhay tayong lahat,” sabi ni Belle.

Proud na proud naman ang onscreen partner at rumored boyfriend nitong si Donny Pangilinan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *