Barbie Forteza, dinenay na hiwalay na sila ng BF

Nagulantang ang mga netizens nitong nakaraan nang maglabasan ang isang art card kung saan nakasaad roon na hiwalay na umano ang aktres na si Barbie Forteza sa boyfriend nitong aktor na si Jak Roberto.

Ilang mga netizens at mga celebrity ang nagulat sa balita, pero pinabulaanan naman ito mismo ni Barbie.

Ayon sa dalaga, wala namang katotohanan sa lahat ng mga nakasulat sa naturang artcard.

“To whoever made this, you’re welcome,” saad ni Barbie kalakip ang mga screenshot ng isang pekeng FB page.

Sa nakaraan ding birthday prod ni Barbie ay natanong siya kung ano pa nga ba ang kulang para naman mag-level up na ang kanilang relasyon.

“I think dapat may ipon. Bukod dun, wala na. Approved na. ‘Yun na lang, ipon na lang,” sagot ng dalaga.

Ang nakalagay sa artcard na may larawan ng mag-dyowa na may nakasulat na “JAKBIE NO MORE”.

Ngunit mukha namang walang katotohanan ang balita at marahil napag-tripan na naman ng mga netizens na gawan ng artcard ang magkasintahan.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mapabalitang hiwalay na sina Barbie at Jak.

Matatandaang noong July 2021 ay umalma ang dalaga patungkol sa mga kumakalat na “fake news” ukol sa umano’y break up nila ng aktor dahil nakalimutan raw nito ang exchange gift sa kanilang monthsary.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *