Jela Cuenca, ready and able

Handang-handa ang sexy actress na si Jela Cuenca kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng malalaking projects sa Vivamax lalo ngayong isa na siya sa mga super busy na talents ng Viva Artists Agency.

Nagsunud-sunod na kasi ang mga proyekto niya at nitong nakaraan lang ay ipinalabas na ang latest movie niyang ”5-in-1 Patay Kang Manyak Ka” kasama sina Wilbert Ross, Ava Mendez, Angela Morena at Rose Van Ginkle, sa direksyon ni GB Sampedro.

Sa September 30 naman ay ipalalabas naman ang “Girl Friday” with with Angeli Khang and Jay Manalo, directed by Joel Lamangan at susundan pa ito ng “Pabuya” na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga at Franki Russell, directed by Phil Giordano na mapapanood na sa Vivamax simula sa October 7.

Sa darating na October 14 naman ipalalabas ang “Relyebo” kasama sina Christine Bermas at Sean de Guzman, sa direksyon ni Cris Aquino.

Ayon sa dalaga, kahit marami na siyang nakalinyang proyekto ay hindi niya inaalintana na baka ma-overexpose siya.

“When I was shooting these movies, hindi ko naman po alam na sunod-sunod ang magiging pagpapalabas sa kanila. E, ako naman, basta trabaho lang nang trabaho. Natutuwa nga akong hindi ako nababakante at sunod-sunod ang projects na ibinibigay ng Viva sa akin kasi tumutulong ako sa family ko,” sabi ni Jela.

Ayon pa sa kanya, hindi naman daw siya nahirapang mag-portray ng iba’t ibang karakter kahit sabay-sabay niya itong ginagawa.

“Hindi naman po. Kung minsan, lagari nga ako sa mga shooting, so I have to keep on reminding myself kung sino ang ginagampanan kong character sa isu-shoot ko that day. Iba-iba naman po ang characters ko. Sa ‘5-in-1’, I play Lana Rose, isa sa limang babaeng pinagsasabay-sabay ni WIlbert Ross na isang successful businessman dito. Nang bigla siyang mamatay, yung sister niyang madre, hinanap kung sino sa aming lima ang higit na karapat dapat to inherit his businesses,” saad ng dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *