SIGNAL NO. 5, ITINAAS SA ILANG LUGAR

Ilang mga lugar sa Luzon ang isinailalim sa Signal No. 5 sa pagpasok ng super typhoon “Karding” sa bansa na siyang ika-labing-isang tropical cyclone na tatama sa Pilipinas ngayong taon.

Ayon sa state weather bureau PAGASA, nakailalim sa Signal No. 5 ang Polillo Islands, extreme northern portion ng Quezon, extreme southern portion ng Aurora, eastern portion ng Bulacan at ang extreme southeastern portion ng Nueva Ecija.

Ang mga nasabing lugar ay inaasahang makakaranas ng pinakamalakas na hagupit ni Karding na may bugso ng hangin na umaabot sa 185 kph sa susunod na labindalawang oras.

Sinabi rin ng PAGASA na tatama si Karding sa northern portion ng Quezon o sa southern portion ng Aurora province na may posibleng early landfall sa Polillo islands.

Namataan ang mata ni Karding 115 km east northeast sa Infanta, Quezon o 76 km east ng Polillo Islands, na may maximum sustained winds na aabot sa 195 kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 240 kph.

Samantala, ang northern portion ng Metro Manila – kasama ang Marikina, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela at Quezon City – ay nakailalim sa Signal No. 4 habang ang ibang lugar sa National Capital Region ay nakailalim sa Signal No. 3.

Signal No. 4 rin sa Calaguas Islands, southern portion ng Aurora, northern portion ng Quezon, central at southern portion ng Nueva Ecija, mga natirang lugar sa Bulacan, Pampanga, northern at central portions ng Rizal, southeastern portion ng Tarlac at extreme northern portion ng Laguna.

Inaasahan ang malakas na pagbuhos ng ulan sa ilang parte ng Luzon kasama na ang Metro Manila mula Linggo hanggang Lunes.

“Under these conditions, scattered to widespread flooding and rain-induced landslides are expected, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities with significant antecedent rainfall,” saad ng PAGASA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *