Sunshine Cruz, hiwalay na?

Umuugong ang balita ngayon na hiwalay na umano ang aktres na si Sunshine Cruz kay San Juan City Councilor Macky Mathay at ayon sa ilang mga netizens, mukhang may mga hugot na ang aktres kaugnay rito.

Nitong nakaran ay nagpost si Sunshine sa social media kung saan kinanta niya ang “Someone That I Used To Love” na umabot na sa 1 million views na labis na ipinagpapasalamat ng aktres.

Makahulugan ang post ni Sunshine sa kanyang Facebook account pagdating niya mula sa lock-in shoot.

“I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days. It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best. Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way. So much blessings are being given to me and my family after all.

Wala akong karapatang mag reklamo. (praying hands at heart emojis),” sabi ni Sunshine.

Kaya namin natanong kung may kinalaman ang awiting “Someone That I Used To Love” ay sa dahilang wala nang post si Sunshine tungkol kay Macky sa kanyang Instagram account.

Ang huling post niya ay noon pang Agosto 27 kung saan magkasama sila ni Macky sa debut party ng anak na si Sam.

Nandoon din ang ex-husband nitong si Cesar Montano.

Nasanay na kasi ang netizens na every now and then ay may post si Shine tungkol sa kanila ni Macky, pero sa pagkakataong ito ay waley after the 35 days lock-in shoot.

At ang nakagugulat ay hindi na niya pina-follow si konsehal Macky sa Instagram account nito, pero pina-follow pa rin siya ng boyfriend.

Pero ayon sa ilang mga netizens, baka nagkaroon lamang sila ng tampuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *