Bianca Umali, sandalan ni Ruru

Proud na proud ang aktor na si Ruru Madrid sa girlfriend niyang si Bianca Umali at ayon sa aktor, si Bianca ang nagsisilbing sandalan, inspirasyon at “gamot” niya noong magsunud-sunod ang pagsubok sa kanyang buhay.

Ayon kay Ruru, bukod sa kanyang pamilya ay si Bianca raw ang talagang kinapitan niya habang hinaharap ang mga problema sa kanyang personal life at showbiz career.

“Noong dumating si Bianca sa buhay ko, I stopped everything. I stopped going out, nag-focus ako sa career ko, tina-try ko ‘yung best ko ibalik ‘yung dating ako. Noong time na ‘yun, nag-e-explore ako when it comes to my career, pero sa lahat, si Bianca, nandoon siya,” sabi ni Ruru.

Ito raw yung panahon na ilang beses natigil ang taping ng “Lolong” kaya nadi-delay din ang pagpapalabas nito sa GMA 7. Dahil dito, nawawalan na raw siya ng pag-asa at inaatake na rin ng depresyon.

“Siya ‘yung naging sandalan ko, siya ‘yung kapag umiiyak ako, siya ‘yung taga-salo lahat ng mga problema ko. Sabi niya sa akin, tandaan mo ‘tong sasabihin ko, darating ‘yan sa ‘yo. Hindi man ngayon, pero dadating ‘yan sa ‘yo dahil alam ko na binibigay mo ang puso mo sa bawat ginagawa mo,” dagdag pa ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *