Guro tinambangan, patay

Isang 38 anyos na guro ang patay matapos tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Lipcan, Bangued, Abra, nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktimang si Rudy Steward Dugmam Sayen, binata, residente ng Zone 4, Bangued, Abra, na nagtuturo sa Suyo National High School.

Sa ulat ng Abra Police, sakay umano ng isang Honda click 125i motorcycle at bumibiyahe ng Abra, pa-Ilocos Sur Road, ang biktima upang pumasok sa trabaho.

Doon na siya binuntutan ng mga suspek na sakay ding magka-angas ng isang motorsiklo saka walang habas na pinaulanan ng bala.

Dalawa sa mga bala at bumaon sa katawan ng biktima na tinangka pang maisugod sa Abra Provincial Hospital ngunit hindi na umabot pa nang buhay.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *