Barbie Imperial, matapang sumagot

Talaga namang hindi inaatrasan ng aktres na si Barbie Imperial ang lahat nang nambabash sa kanya lalo na sa comments section ng kanyang vlog pero kahit nangigigil ang dalaga, sinasagot pa rin niya ang mga ito ng maayos.

Nang may isang nagkomento na mabilis nang magsawa ang mga kabataan ngayon kapag may karelasyon, sinang-ayunan naman ito ni Barbie.

“Totoo! I totally agree na ngayon ay parang wala-wala na lang. Wala nang moving on stage. Wala nang grieving period na three months na rule ganyan. Parang respect sa naging ex mo. Karamihan sa mga tao, karamihan sa ex ko, ha, ha, ha parang walang respect,” sabi ni Barbie.

“Parang hindi na uso ngayon. Ako kasi binibigyan ko ng time. Iniisip ko pa rin ‘yung feeling ng ex ko na ‘ano kayang mapi-feel ni ganito kung pumasok ako sa (relasyon) o mag-date ako kaagad?” dagdag niya.

May isang netizen naman na nagsabing “malandi” umano ang aktres, at sinagot rin naman ito ni Barbie.

“Malandi talaga ako sa isang tao pag in a relationship ako. Nilalandi ko talaga ng sobra ang boyfriend ko. Pero Ria hindi ako malandi, hindi ako ang tipo ng babaeng agad-agad kerengkeng agad… hindi ako ganu’n. Mag DM ka sa akin sabihin mo kung bakit ako malandi tapos magre-reply po ako sa iyo,” sagot ni Barbie.

Samantala, nilinaw ni Barbie na never siyang naging kabit sa naging karelasyon niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *