Mariel Rodriguez, nakonsiyensa

Inamin ng aktres at host na si Yassi Pressman na handa na siyang mag-settle down at magkaroon ng sarili n’yang pamilya at naiisip na n’ya ang lumagay sa tahimik dahil naibigay na rin naman umano n’ya ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Siguro just nice future for my family, personally na, now that’s something new that I open myself up to,” sabi ni Yassi sa isang panayam.

Dagdag niya, nalampasan na niya ang kanyang takot noon sa pagkakaroon ng sarili n’yang pamilya dahil lumaki siyang breadwinner at mula sa isang broken family.

“Dati takot ako, e. Takot akong mag-trust. Takot akong magkaroon ng sariling pamilya or anything. So, now na nakita ko na okey ang kapatid ko, may work na ulit, nabigay ko na ’yong bahay for my family, now I’m starting to think of myself,” sabi ng dalaga.

“Tumatanda na ata ako…” saad pa ng Viva actress. “I’m not scared anymore. Nakakatakot kasi [dati dahil I am] from a broken family,” dagdag pa niya.

Bukod pa rito, masaya daw ang lagay ng puso ngayon ni Yassi.

“Well, I always take care of my heart. But may nagsu-support…with the assistance of the carrying,” sabi ni Yassi.

Matatandaan na isinapubliko ni Yassi ang relasyon nila ni Jon Semira nito lang July sa Instagram.

July 14 exactly nang unang magbigay ng hint ang aktres sa relasyon nila ng Filipino-Canadian basketball player and businessman by uploading a series of photos sa Instagram nang mag-celebrate s’ya ng Bastille Day kasama ang iba pang Pinoy sa Paris, France.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *