Donnalyn Bartolome, may pa-surprise

Sinorpresa pala ng singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome ang aktor na si JM de Guzman sa kanyang birthday last month at ngayong Oktubre lang nang ibahagi niya ang ilan sa mga litrato na kuha sa kanyang naging selebrasyon.

Sa kanyang social media post ay ibinandera ni JM ang mga larawan niya kasama ang mga surprise sa kanya ni Donnalyn.

“Ako ay lubos na nagalalak sa mga dumayo sa aking kaarawan. salamat sa bumati at babati palang,” sabi ni JM at dagdag niya, hindi niya inakala na makikita niya nang personal at live na mag-perform ang kanyang mga iniidolo na sina Loonie, Smugglaz, Shehyee, Anygma at Boss Bullet na isang sikat na boxing coach.

“Kayo ang mga inspirasyon ko at hanga ako sa inyong mga talent,” sabi ng aktor.

Hindi naman niya nakalimutang pasalamatan ang may pakana ng surprise performance ng kanyang mga idolo sa birthday celebration niya.

“Mat ginintuan kang puso para mabigyan mo ako ng pagkakataon na lumigaya. hindi pa ako nasorpresa ng ganito at lubos ang aking ligaya,” pagpapasalamat ni JM kay Donnalyn. “Napakabuti mong tao. sobrang swerte siguro ng magiging boyfriend mo.”

Si Donnalyn rin ang may pakulo ng birthday party ni JM last month.

Ayon sa IG post ng dalaga last month, ito ay bilang pagpapakita ng pagmamahal sa aktor na nagbigay suporta sa kanya sa kanyang music video para sa bagong release niyang kanta na “Shawty”.

“I can’t tell you how thankful I am for your support man, so I tried and showed you just how much!” mensahe ni Donna para kay JM.

Nilinaw naman ng dalaga na wala silang relasyon ng aktor at talagang malapit lang silang magkaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *